Your County Government Community
Services
Healthy
Kids & Families
Business
Resources
Environment Public Safety Jobs

Home
Mga Nakalipas na Eleksiyon
Tungkol sa Amin
Mga Impormasyon para sa mga Botante
Rehistro para Bumoto
Mga Ulat sa Kompyuter
Mga Mangagawa sa Lugar ng Botohan
Mga Lugar ng Botohan
Mga Mapa ng Distrito
Mga Distritong Hinahalal
Direktoryo ng mga Pampublikong Opisyal
Tawagan Kami
Pansamantalang Trabaho

Mga Impormasyon para sa mga Botante

Madaling Iprinta
Font Size Extra Large Font Size Large Font Size Default
Sino ang pwedeng magparehistro para bumoto?
Kailan ko kinakailangang magparehistro muli?
Kung kalilipat ko lang ng California, kailan ako maaaring magparehistro?
Kailangan ko bang magparehistro sa isang partikular na partido politikal?
Hindi ako nakaboto noong nakaraang eleksiyon. Kailangan ko bang magparehistrong muli?
Paano ko malalaman kung ako ay rehistradong botante pa rin?
Paano kung kalilipat ko lamang at wala akong panahong muling nagrehistro?
Katibayan ng Kasalukuyang Tirahan
Saan ako pupunta para bumoto?

Sino ang puwedeng magparehistro para bumoto?

Puwede kayong magparehistro para bumoto kung kayo ay:
•Isang Mamamayan ng Estados Unidos
•Residente ng California
•Labing walong taong gulang o mas matanda sa araw o bago sumapit ang susunod na eleksiyon
•Hindi nakabilanggo o parolado dahil sa napatunayang krimen
•Hindi kinikilala ng batas ng korte bilang isang tao na may kakulangan sa pag-iisip.

Kailan ko kinakailangang magparehistro muli?

Kung kayo ay lumipat ng tirahan, nagpalit ng inyong pangalan, o gustong magpalit ng pinapanigan na partidong politikal.

Kung kakalipat ko lang ng California, kailan ako maaaring magparehistro?

Walang panahon na kailangang hintayin sa California bago ka maaaring magparehistro para bumoto. Ngunit, kailangan na rehistrado kang botante ng labing limang araw bago sumapit ang eleksiyon para mapahintulutang bumoto.

Kailangan ko bang magparehistro sa isang partikular na partido politikal?

Hindi, sinasabi ng batas ng California na ang bawat tao ay maaaring pumili na magparehistro sa isang partikular na partido politikal, magparehistro ng walang pinapanigan, o tumanggi na magsabi.

Hindi ako nakaboto noong nakaraang eleksiyon. Kailangan ko bang magparehistrong muli?

Hindi. Sa katunayan, ikaw ay rehistrado hangga't ikaw ay nakatira sa parehong adres.

Paano ko malalaman kung ako ay rehistradong botante pa rin?

Maaari kang tumawag sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante para malaman kung ikaw ay rehistrado pa rin o maari mong i-tsek ito DITO.

Paano kung kalilipat ko lamang at wala akong panahong muling nagrehistro?

Kung ikaw ay lumipat sa loob ng County ng San Diego 14 mga araw o mas kaunti bago mag-eleksiyon, maari kang pumunta sa dati mong lugar ng botohan, sa iyong bagong lugar ng botohan, o sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante. Kung pumunta ka sa iyong bagong lugar ng botohan, tiyaking magdala ng kahit anuman sa Lisensiya ng Nagmamaneho ng California, ID Card, o dalawang ibang mga uri ng Identipikasyon na nagpapatunay na ikaw ay nakatira sa bagong adres. (Tingnan ang 'Katibayan ng Kasalukuyang Tirahan' na listahan sa ibaba.) Kung wala kang katibayan ng kasalukuyang tirahan, maari kang bumuo ng isang pagpapatibay sa aming mga opisina sa araw ng Eleksiyon.

Katibayan ng Kasalukuyang Tirahan

Ang katibayan ng kasalukuyang tirahan ay binubuo ng: isang may-bisang lisensiya ng nagmamaneho ng California o ID card, na nagbibilang sa pangalan ng botante at adres ng kasalukuyang tirahan, o anumang dalawa sa sumusunod na mga dokumento, kapwa na dapat naglalaman sa pangalan ng botante at kasalukuyang adres
•Kuwenta ng Utilidad
•Pahayag ng Buwis ng Ari-arian
•Identipikasyong Militar
•Card ng Bayad ng Kolehiyo o Unibersidad o Identipikasyon ng Mag-aaral
•Kasunduan ng Upa
•Pahayag ng Buwis ng Kinikita
•Rehistro ng Sasakyan
•Pahayag ng Bayad ng Bahay
•Dating Nakalimbag na Tseke o Papel ng Deposito sa Bangko
•Sulat na Nakapangalan sa Botante sa Kanyang Kasalukuyang Adres
•Pinatunayang Pahayag mula sa Isang Botante sa Presinto
•Pahayag ng Bangko
•Pahayag ng Card ng Utang

Saan ako pupunta para bumoto?

Ang iyong lugar ng botohan ay nakalimbag sa likod ng iyong pamplet ng ihemplong balota. Kabilang dito, ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nagpapanatili ng pahina ng lugar ng botohan sa aming web site kabilang din ang isang awtomatikong sistema ng telepono humigit-kumulang 3 linggo bago ang bawat malaking eleksiyon.